Ako ay maglalahad ng isang kwento hango sa karanasan ng aking kaibigan. Siya ay si Purple. May minahal siyang isang lalaki - si Bayog.
Minsan, sa isang oras na hindi inaasahan ay may dalawang pusong nagtagpo. Ito ay nagbunga ng dalawang magagandang supling na sina Mestisa at Negra.
Nagsama sila ng maraming taon. Maraming taon ng saya, ligaya at sa kasinungalingan.
Si Bayog ay may asawa at may anak na rin sa ibang babae.
Dahil nga isang guro si Purple, dumating sa punto na gumawa ng paraasn ang legal na asawa upang paghiwalayin sina Purple at si Bayog. Pinuntahan niya sa paaralang pinagtuturuan si Purple at doon niya isinangguni sa Punongguro ni Purple ang lahat.
Nagunaw ang mundo ni Purple.
Hindi dahil lamang sa pangamba na baka mawalan siya ng trabaho, kundi pati na rin sa kadahilanang biglang tumiwalag si Bayog sa kanya. Iniwan siya sa ere sa gitna ng kanyang pinagdadaanang problema.
Sa kabilang banda, dahil sa nangyari, nawala na rin ang pagmamahal ni Purple kay Bayog. Sa ngayon, kasalukuyan pa ring iyak ng iyak si Purple dahil hindi na niya alam ang gagawin sa naiwang problema sa kanya.
Sana ay maayos ang lahat. Sana. Sana. Para sa kaibigan ko.